Mayor Atayde, Problema umano ang mga Riders

Cauayan City, Isabela- Pinoproblema ngayon ni Mayor Jaime Atayde ng Luna, Isabela ang grupo ng mga Riders kung saan nakakapunta ang mga ito sa kung saan-saang mga lugar.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Mayor Atayde, kung maaari sana ay ipagbawal ang paglabas ng mga grupo dahilan upang makapunta sila sa mga malalayong lugar at posibleng mahawaan ng dumaraming bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Aniya, hindi maituturing na ‘healthy’ sa kanilang ginagawang paglabas ng mga grupo ngayong banta para sa lahat ang kaso ng virus lalo pa’t nadadagdagan ang mga variant nito.


Paliwanag pa ng alkalde, paano malalaman na ang makakatabi ng isang rider ay may COVID-19 o wala lalo pa’t gagawin nila ang mag stop-over para kumain habang nagkukwentuhan.

Tahasan namang sinabi ng opisyal na sisirain nya agad ang mga videoke sa kanyang bayan dahil istriktong ipinatutupad sa lugar ang pagbabawal ng social gatherings.

Pinaalalahanan din nito ang mga bikers na huwag tatambay sa mga bayan-bayan upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.

Facebook Comments