₱10-B na original budget proposal ng BuCor sa 2021, ipinababalik ng Kamara

Ipinababalik ni Baguio Rep. Mark Go ang orihinal na panukalang budget ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa susunod na taon.

Sa original proposed budget ng BuCor na ₱10.2 billion para sa 2021, ₱3.55 billion lamang ang inaprubahang budget ceiling dito ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang ibinigay na pondo ng DBM sa ahensya ay 16.29% na mas mababa kumpara sa kasalukuyang budget ng BuCor na nasa ₱4.24 billion.


Aminado si BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag na maaapektuhan ng budget cut ang pagtatayo nila ng dagdag na detention facilities partikular na ang regionalizing ng penal farms.

Bahagi rin aniya sana ng pondo ang paglilipat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) upang ma-decongest ang New Bilibid Prisons (NBP) ngayong may COVID-19.

Inamin din ng BuCor na mahigit 49,000 ang PDLs na nakakulong sa kanilang pasilidad gayong ang kapasidad lamang ng kanilang mga imprastraktura ay para lang sa 11,000 PDLs.

Facebook Comments