Dahil sa larong “Pusoy Uno”, 7 arestado

8

Kalibo, Aklan – Arestado ang 7 katao matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa Oyo Torong Street, Poblacion, Kalibo kahapon ng hapon. Ang mga naaresto ay kinilalang sina Mica Lauria, 27 anyos; Joan Silva, 34 anyos; Jocelyn Natabio, 41 anyos; Norliza Hulguin, 24 anyos ; Tobby Hulguin, 22 anyos at Ersol Villanueva, 42 anyos lahat residente ng nasabing lugar at Mae Ureta, 39 anyos at residente ng Brgy. Navitas, Numancia. Sa report ng Kalibo PNP, na nakatanggap sila ng tawag mula sa lugar na merong nagsusugal at agad namang pinuntahan ng mga otoridad. Pagdating sa lugar ng mga pulis ay akto nilang nadatnan na naglalarovpa ang mga ito ng tinatawag na “Pusoy Uno” sa labas ng bahay ni Alfie Apollo. Agad inaresto ang mga ito kung saan narekober ang isang set ng baraha ag perang P 1, 173.00 bilang taya. Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang amg nahuli at posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by R.A. 9287 (Anti-Illegal Gambling Law)”.

Facebook Comments