Mabibigyan ng ₱1,000 na ayuda ang bawat myembro ng pamilya sa ilalim ng isinusulong na Bayanihan 3 o Bayanihan to Arise as One Act.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, sa ilalim ng House Bill 8628 na inihain nila ni House Speaker Lord Allan Velasco, nais na padaliin ang proseso ng pamamahagi ng financial aid sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.
Mababatid umano na sangkaterbang aberya ang naranasan sa ipinatupad na Social Amelioration Program o SAP sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 partikular na sa pagtukoy ng mga benepisyaryo, validation at double entries.
Kaya naman, sa halip na kada pamilya ang pamimigay ng ayuda ay gagawin na lamang na kada myembro ang ibibigay na SAP sa halagang ₱1,000.
Sa ilalim ng Bayanihan 3 ay ₱108 bilyon ang alokasyon para sa SAP.