Sa buwan ng Enero pa ng susunod na taon masisimulang matanggap ng indigent senior citizens ang ₱1,000 na monthly social pension.
Ito ay matapos mag-lapsed into law ang panukalang pagpapataas ng social pension ng indigent senior citizens.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Commission of Senior Citizens o NCSC Chairman Atty. Franklin Quijano na bagama’t batas na ang panukala, magiging epektibo aniya ang implementasyon nito sa 2023 pa.
Ngayong taon kasi ay wala pang pondo ang pamahalaan para dito at hinihintay ngayon na maaprubahan ng lehislatibo ang 2023 national budget.
Para kay Quijano, mahalagang magkaroon agad ng pondo para dito dahil malaking tulong ito sa 4.1 milyong senior citizens sa buong bansa.
Sa ngayon, nakatututok din ang NCSC sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations o IRR para mas mabilis ang pagpapatupad.