₱14.5-M ayuda sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette, naipamahagi na – DSWD

Mahigit ₱14.5 milyon na halaga ng ayuda ang naipamahagi na sa mga Local Government Units (LGU) na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesman Director Irene Dumlao, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga LGU upang maihatid ang karagdagang mga tulong.

Patuloy rin aniya ang paghahatid ng mga food packs ng kanilang mga field offices sa Regions 10, 11, at 12 gayundin sa Western Visayas, Eastern Visayas at MIMAROPA.


Habang tig-5,000 food packs naman ang ipinadala sa Dinagat Islands at Siargao.

Aminado naman si Dumlao na isa sa mga hamon na kinakaharap nila ay ang komunikasyon sa mga LGU dahil pinabagsak ng bagyo ang linya ng kuryente at mga telecommunication site.

Facebook Comments