Naglaan ang gobyerno ng ₱3 Billion para sa unconditional cash transfers sa 600,000 maliliit na magsasaka na apektado ng pagbagsak ng presyo ng palay at pagbaha ng imported na bigas.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang nasabing halaga ay aprubado para sa taong ito.
Ang karagdagang tatlong Bilyong Piso ay ilalaan para sa 2020.
Ang mga magsasaka na may isa hanggang dalawang ektarya ay makakatanggap ng tig-5,000 Pesos.
Ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4p’s, ay makakatanggap naman ng 600 Pesos na Rice Subsidy.
Ang distribution ng ayuda ay isasagawa ngayong buwan hanggang Disyembre.
Facebook Comments