Nasa ₱3-M ang inisyal na pinsala na iniwan ng Bagyong Karding sa imprastraktura.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa napinsala ang isang tulay at isang kalsada sa Concepcion, Puerto Princesa, Palawan.
Partikular dito ang Puerto Princesa north road Concepcion bridge at Puerto Princesa north road.
Ang mga ito ay kapwa nagtamo ng crack o bitak sa concrete pavement.
Ayon sa NDRRMC posible pang madagdagan ang halaga ng pinsala kapag nakalap na nila ang iba pang datos mula sa ibat ibang rehiyon na matinding hinagupit ng Bagyong Karding.
Samantala, umabot naman sa ₱1.5-M ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura.
Kabuuang 276 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng kalamidad sa Cordillera Administrative Region.
Sa ngayon nasa ₱1.6-M ang halaga ng tulong ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.