₱4 dagdag-presyo sa pandesal at tasty, inihihirit sa DTI

Umaapela sa Department of Trade and Industry (DTI) ng ₱4 dagdag-presyo sa tinapay ang bread brands na “Pinoy Tasty” at “Pinoy Pandesal” sa gitna ng pagtaas ng production costs nito.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, sinusuri pa ng DTI ang pending request na taasan ang presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ng ₱4.

Paliwanag ni Castelo na lahat ng hirit na pagbabago sa suggested retail price ay dapat munang pag-aralan bago mag-isyu ng bagong bulletin.


Sa kasalukuyan, ang suggested retail price para sa Pinoy Tasty ay ₱38.50 kada 450 gram pack, habang ang Pinoy Pandesal naman ay ₱23.50 kada 10 piece-pack.

Tiniyak naman ni Castelo na magsusumite sila ng rekomendasyon kay DTI Sec. Alfredo Pascual sa mga susunod na linggo at kung ito’y maaaprubahan ay tsaka lamang sila maglalabas ng bagong SRP bulletin.

Facebook Comments