₱4-M halaga ng marijuana plants, pinagsisira ng PNP sa Benguet at Kalinga

Aabot sa ₱4 milyong halaga ng marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga tauhan ng Cordillera Police sa ikinasang massive clearing operation sa iba’t ibang cannabis farm sa Benguet at Kalinga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Augustus Alba, unang ikinasa ang clearing operation sa isang marijuana plantation sa Kibunga, Benguet kung saan nasa 8,760 na piraso ng mga fully grown marijuana plants at 48 na piraso ng marijuana seedlings na may estimated value na mahigit ₱1,753,000 ang nakumpiska.

Habang sa Brgy. Lacnog Tabuk City sa Kalinga ay nakuha sa dalawang plantasyon ng marijuana ang 13,000 na piraso ng mga fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng mahigit ₱2.6 milyon.


Pinuri ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang effort ng mga nag-operate na pulis habang tiniyak na hindi titigil ang PNP massive na pagsisira ng mga taniman ng marijuana sa lugar.

Facebook Comments