Poll watchers ng mga political parties, ipinasasama sa final testing at sealing ng mga makina

Hinikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia ang mga political parties na isali ang kanilang mga poll watchers sa isasagawang final testing and sealing ng mga gagamiting Vote Counting Machines (VCMs) sa May 9 elections.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni Garcia na hindi lamang dapat nakatuon sa araw ng eleksyon ang mga poll watchers kundi pati rin sa testing ng makina.

Aniya, mahalaga ang final testing at sealing dahil dito makikita ang printing ng zero o yung patunay na walang laman ang makina.


Dito rin masusubukan ang pagpasok ng nasa sampung original ballots upang matukoy kung tatanggapin nito ang balota at tama ang magiging bilang nito.

Umaasa ang Kamara sa kahandaan ng komisyon sa gaganaping halalan at sa mataas na turnout ng boto.

Facebook Comments