Makakukuha ng ₱50 rebate ang higit 35,000 costumer ng Maynilad na naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Disyembre.
Ayon sa Maynilad, naglaan na sila ng 1.7 million pesos para sa Bill Rebate Assistance Program na kumokonsumo ng 2-cubic meter sa Muntinlupa, Pasay, Bacoor, Imus, Kawit, at Noveleta, Cavite.
Makatutulong din anila ang refund sa recovery ng mga naapektuhan ng bagyo, lalo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Samantala, nagbabadya namang tumaas ang singil sa kuryente sa paparating na November bill ayon sa Manila Electric Company (Meralco), dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng piso kontra dolyar.
Facebook Comments