₱5,000 ayuda, inihirit ng KMU kaugnay ng 2-week ECQ

Humihirit ang mga grupo ng mga manggagawa ng karagdagang ayuda ngayong magpapatupad ng mas malawakan at mahihigpit na lockdown.

Iginiit ng Kilusang Mayo Uno sa gobyerno na magbigay ang gobyerno ng unconditional ₱5,000 cash aid sa mga maaapektuhang pamilya sakaling ibalik muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa halip na ₱1,000 kada tao na unang ipinangako ng Malacañang.

Dagdag ng KMU, hindi sapat ang lockdowns gaya ng ECQ para sawatahin ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.


Dapat din umanong palakasin ang testing capacity at doblehin ang surveillance sa Delta variant.

Dapat din umanong may klarong programa para sa mga mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments