Pagtatalaga kay Lt. Gen. Faustino bilang bagong AFP Chief, ikinatuwa ng hanay ng AFP

Welcome sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatalaga kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Jose Faustino Jr., bilang bagong AFP Chief of Staff.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, ang naging karanasan ni Lt. Gen. Faustino sa pagtatrabaho bilang commander at staff officer sa AFP ay malaking tulong sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas para mas maipagpatuloy ang kanilang misyong matamo ang pagmatagalang kapayapan at patuloy na pag-unlad ng bansa.

Dagdag pa niya na si Lt. Gen. Faustino ang kasalukuyang Commander ng Joint Task Force Mindanao, naging Acting Commanding General din ito ng Philippine Army at Commander ng AFP Eastern Mindanao Command.


Si Faustino ay papalit kay General Cirilito Sobejana na magreretiro bukas, July 31, 2021.

Facebook Comments