Nagpalabas ng ₱600-million loan assistance ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa na apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Expanded Sure Program, maaaring mangutang ang mga magsasaka at mangingisda mula sa 35 probinsya sa Pilipinas nang hanggang ₱25,000.
Babayaran ito ng bawat benepisyaryo sa loob ng sampung taon kung saan wala silang kailangang bayarang interest at kolateral.
Para mapabilang sa programa, magtungo lang sa bawat barangay ng inyong munisipalidad at rehiyon.
Facebook Comments