₱65 million, idinagdag na pondo ng DOLE sa contact tracing efforts ng mga LGUs

Aabot sa ₱65 million, idinagdag na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa contact tracing efforts ng mga Local Government Units (LGUs) ₱65 million ang idinagdag na alokasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa contact tracing efforts ng mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng dagdag na pondo na palakasin pa ang ginagawang hakbang ng pamahalaan kung saan aabot na sa 10,000 ang natanggap na aplikasyon hanggang nitong April 22, 2021.

Maaari namang gamitin ang pondong ito sa pamamagitan ng Public Employment Service Offices (PESO), na isang libreng multi-dimensional employment service facility na matatagpuan sa lahat ng LGUs.


Matatandaang maliban dito, una na ring sinabi ng DOLE na tutulong din sila sa pagha-hire ng mga contact tracers sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) workers program.

Sa ganitong paraan, hindi lamang nakapagbibigay ng agarang trabaho sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay, kundi nakatulong na rin upang tugunan ang pangangailangan ng komunidad para pigilan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng contact tracing.

Facebook Comments