Isang high-value target na umano’y kasapi ng isang muling umuusbong na grupo ng ilegal na droga ang matagumpay na naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng mga ahensya ng pamahalaan noong January 16, 2026 sa San Jose, Laoag City.
Ayon sa PDEA, isinagawa ang operasyon matapos ang beripikadong intelligence reports ukol sa patuloy na ilegal na aktibidad ng suspek na umano’y kaanib ng isang drug group na aktibo sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Nasamsam mula sa operasyon ang hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 10 gramo at halagang 68,000 pesos, iba pang ebidensya at marked buy-bust money.
Kinilala ang suspek bilang si alias “Ryan”, miyembro ng Burog Drug Group at residente Santo Tomas, Laoag City.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Laoag City Police Station at mahaharap sa mga kaso ng pagbebenta at pagmamay-ari ng ilegal na droga.










