Tuesday, February 3, 2026

₱73K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM SA PANGASINAN

Isang wanted person ang naaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng mahigit sampung gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant noong Pebrero 2, 2026, sa Brgy. Macayug, San Jacinto, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 38 anyos na vulcanizer at residente ng nasabing bayan.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 (PDEA-RO1).

Ipinatupad ng mga awtoridad ang Search Warrant para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Search Warrant para sa paglabag sa Section 12 ng parehong batas, na may kinalaman sa pagmamay-ari ng mga kagamitang ginagamit sa ilegal na droga.

Sa isinagawang paghahalughog, nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang 10.76 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱73,168.00, na nakapaloob sa anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets.

Bukod dito, nakumpiska rin ang iba’t ibang non-drug evidence.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng Temporary Investigation and Processing (TIP) habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments