Ginanap ang pamamahagi ng cash cards noong Setyembre 3, 2022 sa bayan ng Alicia, Isabela.
Tinatayang nasa 4,600 piso ang nilalaman ng nasabing cash card.
Samantala, patuloy pa rin sa pagsasagawa ng cash card distribution ang ahensya sa iba pang benepisyaryo.
May kabuuang 3,359 indibidwal ang nakatakdang mag benepisyo sa naturang programa kung saan 73 sa bilang ay nabigyan na ng cash card nitong Sabado.
Layon ng programang Unconditional Cash Transfer (UCT) na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na indibidwal na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (Train Law).
Ang mga sakop naman ng UCT ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga miyembro ng Social Pension Program at kasama sa Listahanan ng DSWD.