𝐌𝐄𝐍𝐎𝐑 𝐃𝐄 𝐄𝐃𝐀𝐃, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐄𝐁𝐄𝐍𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐈𝐆𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐃𝐑𝐎𝐆𝐀

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang estudyante matapos maaresto sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jopet”, 16-anyos, at residente ng Purok 7, Tramo, Malvar, Santiago City.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at boodle money.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments