Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Caesar Dy Jr, dahil papalapit na muli ang kapaskuhan at maraming dayuhan ang magsisipag tungo sa lungsod ng Cauayan upang bumisita at mamasyal, inaasahan nito na darami rin ang mga mapansamantalang tsuper.
Kung kaya’y nanawagan sa publiko si Mayor Dy lalo na sa mga turistang dadayo sa nasabing lungsod na magtungo sakaniyang opisina kung mayroon mang insidenteng paniningil ng sobrang pamasahe ang ilang mga tricycle drivers.
Aniya, kunin ang body number ng tricycle upang agad na maipatawag ang inirereklamong drayber at nang mapatawan ng kaukulang parusa.
Samantala, para naman sa kaalaman ng mga komyuters, ayon sa inilabas na bagong taripa o tamang singil sa pamasahe sa lungsod ng Cauayan, nagkakahalaga ng P15 ang regular fare; habang P13 naman sa mga estudyante, senior citizens, at PWDs.