
Hindi malabong ipatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kaugnay sa imbestigasyon ng pamahalaan sa Extra Judicial Killings (EJKs) na naganap sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Sa ambush interview, sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na maaaring i-subpoena nila ang dating pangulo kaugnay sa posibleng pagsasampa ng reklamong crimes against humanity.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng case build-up ang DOJ tungkol dito.
Tiniyak naman ni Andres na magiging evidence based ang kung saan iko-consolidate ang mga naunang findings ng naunang binuong Task Force EJK sa report ng Quad Comm.
Kahapon nang irekomenda ng House Quad Committee ang pagsasampa ng mga naturang kaso laban kina Duterte, Senator Bong Go, Senator Bato dela Rosa at ilan pang mga dating opisyal dahil sa kanilang parte sa EJK.