CAUAYAN CITY- Matagumpay ang isinagawang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong Alicaocao bridge sa lungsod ng Cauayan.
Ito ay matapos na maaprubahan ang pondo para sa pagsasaayos nito ng National government sa pamamagitan ni 6th District Representative Congressman Faustino Inno Dy V.
Ayon kay Cong. Inno Dy ang initial na pondo ay P750 milyon kung saan ang proyekto ay inaasahang matatapos sa loob ng apat (4) na taon.
Umaasa naman si Cong. Dy na sa pamamagitan ng bagong tulay na ito ay mas magiging mabilis na ang transportasyon ng mga residente mula sa east tabacal lalo na ang mga estudyante at guro.
Sa pamamagitan rin ng tulay na ito ay hindi na mangangamba pa ang mga motorista na malulugi tuwing umuulan dahil hindi na ito aabutin ng tubig.
Samantala, bukod dito ay malugod naman na inanunsyo ni Mayor Caesar Jaycee Dy na sa susunod na taon ay matatapos na at mapapakinabangan na ang Santa Luciana- San Pablo bridge.