Kabilang pa rin sa listahan ang anim na bayan at isang lungsod sa Pangasinan na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa datos na inilabas ng National ASF Prevention and Control Program nitong buwan ng Enero, kabilang ang mga bayan ng Anda, Bolinao, Mangatarem, Sta. Barbara, Sual, Urbiztondo at Lungsod ng Alaminos sa ilalim ng red zone status ng African Swine Fever (ASF) Zone Category.
Ibig sabihin ang mga lugar na ito ay apektado pa rin o infected zone sa probinsya ng sakit na ASF.
Samantala, kabilang ang labing siyam (19) na bayan sa ilalim naman ng naman pink zone status o buffer zone kung saan status ay nagsisilbing buffer, walang naitalang ASF ngunit katabi ng isang infected zone at mga lugar na hindi nakapagtala ng ASF at hindi bababa sa 90-araw.
Nasa dalawampu’t isang (21) lugar naman sa lalawigan ang kabilang sa yellow zoning status o surveillance zone kinabibilangan ng mga lugar na high-risk areas sa ASF dahil sa dami na mga baboy maging ng mga produkto.
Patuloy naman ang monitoring ng Office of the Provincial Veterinary sa mga lugar na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨