𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦

Makakaranas ng dalawang oras na power interruption ang anim na bayan sa Pangasinan sa darating na biyernes, November 29, 2024.

Sa abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Magsasagawa umano ng load shifting sa bahagi ng Labrador- San Carlos 69kV line mula sa Labrador 100MVA power transformer 3 sa Labrador 100MVA power transformer 1.

Magsisimula ang power interruption ng alas kwatro ng umaga hanggang alas sais ng umaga.

Apektado ang Buong munisipalidad ng Binmaley, Lingayen, Aguilar, Bugallon, at Mangatarem.

Makararanas rin ang ilang bahagi ng Urbiztondo bukod sa Pasibi East & West, Balangay, Batangcaoa, Bituag, Duplac at Malaca.

Samantala, sa araw ng Sabado, November 30, ang buong buong bayan ng Mangaldan ay apektado ng apat na Oras na power interruption mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments