Tuesday, January 20, 2026

𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗦𝗠𝗢𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗩𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

Cauayan City – Pinatibay ng City Health Office kasama ang Department of Public Order and Safety (DPOS) at Santiago City Police Office (SCPO) ang implementasyon ng Anti-Smoking at Anti-Vaping Ordinance sa lungsod.

Kasama sa aktibidad ang pagbibigay-kaalaman sa publiko tungkol sa mga parusa sa paninigarilyo at pagva-vape sa pampublikong lugar, pati na rin ang mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo at vape sa mga menor de edad.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta ng sigarilyo sa loob ng 100 metrong radius ng mga paaralan at ang paglalagay ng mga patalastas ng tabako at vape.

Ayon sa City Health Office, ang hakbang na ito ay hindi lamang para parusahan ang mga lumalabag, kundi higit sa lahat upang protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan at hikayatin ang lungsod tungo sa isang smoke-free at disiplinadong komunidad.

Ang patuloy na kampanya ay bahagi ng programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan na naglalayong magbigay-edukasyon at palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa panganib ng tabako at vape.

Source and Photo Courtesy: Santiago City Health Office

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments