𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟵𝟲𝗞 𝗡𝗔

Umabot na sa siyamnapu’t-anim na libo, walong daan at pitumpu’t-anim (96, 876) na mga pamilya sa buong Region I ang naapektuhan ng Bagyong Carina at Habagat.

Katumbas nito ang apektadong tatlong daang libo pitumpo’t-pito at labing-apat na (377, 014) ma mga indibidwal.

Nagpapatuloy sa ngayon ang pamamahagi ng food at non-food items sa iba’t-ibang bayan lalo na sa mga lubos naapektuhan ng sakuna na kinabibilangan ng Dagupan City, Pangasinan, Bauang at Luna sa La Union.

Kabuuang 22, 478 na Family Food Packs at 319 non-food items ang naipamahagi na sa iba’t-ibang bayan sa rehiyon.

Kasalukuyan ding nananatili sa mga evacuation centers partikular ang mga residenteng apektado ng matinding pagbaha mula sa kani-kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments