Inaasahang bubuksan na sa susunod na buwan ngayong taon ang bagong Fish Processing Facility sa bahagi ng Sual Fish Port sa Sual, Pangasinan.
Nasa 99.99% na konstruksyon ng naturang pasilidad at hinihintay na lamang ang mga kagamitan upang tuluyan na itong magamit.
Ang naturang pasilidad ay inaasahang makakapag-imbak ng nasa dalawang daang metrikong tonelada ng mga isda.
May mga mangilan ngilan na ring interesado na gumamit sa naturang pasilidad gaya ng mga bangus growers sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments