𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘, 𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗣𝗢𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Pinsala sa mga pook pasyalan sa lungsod ng Ilagan ang iniwan ni bagyong Kristine matapos itong humagupit kahapon, ika-24 ng Oktubre.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng LGU Ilagan, nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng mga tourist destinations sa lungsod partikular na sa Ilagan Sanctuary sa Sta. Victoria, Ilagan City, Isabela.

Aniya, dahil sa tuluy-tuloy na malalakas na pag-ulan habang kasagsagan ang bagyo ay mabilis ang naging pag-agos ng tubig mula sa bundok pababa sa kinaroroonan ng mga tourist destinations na malapit dito, dahilan upang bahain ang lugar at magdulot ng pinsala sa Ilan sa mga amenities dito.


Samantala, ipinagpasalamat naman nila na walang naitalang nasaktan sa mga staff ng mga pook pasyalang ito.

Nagpaalala naman si Ginoong Bacungan na pansamantalang isasara muna ang Ilan sa mga Tourist Destinations para sa gagawing rehabilitasyon, at oras na maayos na ang mga nasira ay kaagad din nila itong bubuksan mulit sa publiko.

Facebook Comments