Seryosohin at huwag na isa-walang bahala ang banta heat stroke ngayong nakararanas ng matinding init sa lalawigan, kaya naman muling nagpaalala ang Department of Health – CHD Ilocos na maging maingat ngayon sa katawan.
Nauuso muli ang heat stroke dahil sa nararanasang matinding init ng panahon kaya naman dapat lamang na mabigyan ng atensyon ang kalusugan maiwasan na madapuan ng ganitong klase ng sakit.
Sa inilabas ng Disease Prevention and Control Section of DOH – CHD Ilocos sa kanilang official facebook page, dapat na ilipat agad sa lilim o as mas preskong lugar ang taong nakakaramdam ng sintomas ng heat stroke at tanggalin ang mga kasuotan na nagdadagdag sa salimuot ng katawan.
Mainam din kung winisikan ang buong katawan nito ng tubig at saka paypayan o itapat sa electric fan, mas mainam rin kung may ice pack para mailagay sa pisngi, palad at talampakan.
Samantala, ilan sa sintomas ng heat stroke ay ang pagkahilo, pagsusuka, at panghihina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨