𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗟𝗟, 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗜𝗟𝗜𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗧𝗢𝗡𝗜𝗢

 

CAUAYAN CITY- Isa sa mga proyektong nais ilunsad at matapos ngayong taon ng Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela ay ang paglilipat ng kanilang barangay hall.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kapitan Roosevelt Perido Jr., naglaan ng limampung milyong piso para sa konstruksyon ng bagong barangay hall sa tabi ng community center.

Dagdag pa, ang lumang barangay hall ay ibibigay sa San Antonio Elementary School bilang silid-aklatan.


Samantala, inaasahan naman ni Kapitan Roosevelt na maisasakatuparan ang proyektong ito ngayong taon kasabay ng kanilang iba pang proyekto para sa barangay.

Facebook Comments