𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔

 

Cauayan City – Arestado ang isang binatilyong out-of-school youth mula sa Nueva Vizcaya dahil sa di umano kasong panggagahasa.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ray”, 16 anyos, residente ng Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya, at itinuturing na Child in Conflict with the Law (CICL).

Matapos ang tagumpay na pagkakaaresto sa binatilyo, agad itong dinala sa Municipal Health Office para sa medikal na pagsusuri.


Kalaunan, dinala rin sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development si alyas “Ray” upang dito maglagi.

Samantala, wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Ray” na nahaharap sa kasong panggagahasa.

Facebook Comments