Bagsak presyo na ang mga nilalakong items sa loob ng Baratilyo sa Downtown Area ng Dagupan City.
Pauubusin na umano hangga’t maaari ang mga binebenta ng ilan sa mga negosyanteng nag renta ng pwesto sa naturang lugar para mabawi naman at masulit na rin umano ng mga mamimili.
Dagsa naman ngayon ang mga mamimili sa naturang baratilyo kung saan maraming pagpipilian tulad ng sapatos na mula sa ₱600 to ₱1000 pesos na halaga nito ay ibinaba na sa 350 to 400 pesos.
Mayroon ding mga damit na binagsak na ang presyo mula ₱20 hanggang ₱50 depende sa klase.
Mabenta sa mamimili ang mga pangbatang sapatos kung saan nasa 2 for ₱100-₱150 na.
Ayon sa mga may pwesto, samantalahin na umano ng mga mamimili ang pagkakataon dahil malapit na ang kanilang pag-alis.
Samantala, hanggang January 30, 2024 na lamang magtatagal ang naturang baratilyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨