𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟯 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦

Mararanasan simula bukas, ang malakihang umento na maglalaro sa halos tres pesos sa kada litro ng krudo.

Ang Kerosene, may bahagyang pagtaas lamang ng nasa 40 hanggang 60 cents habang ang Diesel, may dagdag presyo ring ₱1 piso ₱1.30, bagamat ang Gasolina, umakyat na sa halos tres pesos kung saan maglalaro ang per liter nito mula ₱2.50 hanggang ₱2.80.

Karaniwang pagpapatupad ng mga oil companies ng nasabing oil price hike ay sa araw ng Martes, mula alas dose ng hatinggabi o alas sais ng umaga.

Samantala, patuloy na idinadaing ng mga PUV operators at drivers sa lalawigan ng Pangasinan ang serye ng price hike na nararanasan sa halos buong unang buwan ng pagpasok ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments