Nakitaan ng bahagyang pagtaas ang bilang ng mga insidente ng sunog sa buong Region 1, noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection Ilocos Region (BFP-1), nakapagtala ito ng 732 ng insidente ng sunog noong 2023, mas mataas ng 39 % o nasa 528 na insidente noong 2022. 266 sa mga nasabing insidente ay nangyari sa Pangasinan, 196 sa Ilocos Norte, 145 sa Ilocos Sur, at 125 naman sa La Union.
Sa ngayon, umaabot na sa 195 ang kanilang mga naitalang sunog sa rehiyon, simula Enero hanggang Pebrero ngayong taon.
Kaya naman, mariing pinaaalalahanan ng BFP ang bawat isa na maging maingat lalo’t paparating na ang summer season. Ilan sa mga itinuturong paraan upang maibsan ang insidente ng sunog ay ang pagiging mapagmatyag at magkaroon ng kaalaman ukol sa Fire Safety.
Ngayong Fire Prevention Month at nalalapit na ang pagdedeklara ng summer season, mas pinaiigting ng BFP Ilocos Region ang kanilang kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kaligtasan ng bawat isa. Gayundin, ang kanilang kahandaan sa oras na sila ay kailanganin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨