Monday, February 23, 2026

β€Žπ—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—š π— π—šπ—” π—•π—”π—§π—”π—‘π—š π—œπ—‘π—” 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗑𝗦𝗔, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π— π—”π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝟭𝟯𝟬,𝟬𝟬𝟬

β€ŽCauayan City – Lumobo na sa 138,697 ang kabuuang bilang ng mga batang ina sa Pilipinas, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakabatay sa tala ng Commission on Population and Development (CPD).
β€Ž
β€ŽKabilang dito ang mga kabataang may edad 10 hanggang 19 na nakaranas ng early pregnancy.
β€Ž
β€ŽNangunguna ang CALABARZON sa may pinakamaraming kaso na 16,827, kasunod ang Central Luzon na may 14,729 at National Capital Region na may 10,656.
β€Ž
β€ŽNaitala rin ang 10,394 kaso sa Northern Mindanao at 9,588 sa SOCCSKSARGEN, na patunay na laganap ang isyu sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
β€Ž
β€ŽSinabi ni CPD Undersecretary Lisa Bersales na bagama’t may bahagyang pagbaba sa bilang ng mga inang nasa edad 15 hanggang 19, patuloy namang tumataas ang kaso sa mga batang mas bata sa 15-anyos.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin niya na mas nangangailangan ito ng agarang aksyon dahil sa mas mataas na panganib sa kalusugan at edukasyon ng mga menor de edad.
β€Ž
β€ŽTinukoy din ng opisyal na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ang kakulangan sa sapat na kaalaman at access sa mga serbisyong may kinalaman sa reproductive health.
β€Ž
β€ŽDahil dito, nananawagan ang CPD ng mas maigting na pakikiisa ng mga magulang, paaralan at komunidad upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng teenage pregnancy sa bansa.
β€Ž
β€ŽPhoto: For Illustration Only
β€Ž
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments