Namatay ang isang bente anyos na binata matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Pozorrubio.
Ang biktima ay nakilalang si Bryant Yogyog residente ng Barangay Alipangpang sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas kwatro ng madaling araw sa lugar ng biktima kung saan ay sakay ito ng kanyang motor nang magkamali ito ng kalkulasyon sa palikong bahagi ng kalsada dahilan upang bumangga ito sa pader ng isang bahay doon at tumilapon.
Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima partikular sa kanyang ulo na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments