𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwenta y uno anyos na lalake sa bayan ng Mangaldan matapos ang ikinasang buy bust operation.

Ang suspek ay nakilalang si Jesus García residente ng Barangay Bari sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas dos ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng shabu na tumitimbang ng 1.14 grams at nagkakahalaga ng halos walong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments