Dumating na sa San Fernando City, La Union mas malaking barko na BRP Emilio Jacinto bilang karagdagang seguridad sa maritime zone ng unang tatlong rehiyon sa Pilipinas mula sa Bajo de Masinloc at Benham Rise.
Itinuturing na mas malaki kumpara sa ibang barko at capital ship ng Philippine Navy ang BRP Emilio Jacinto. Ayon kay Commodore Francisco Tagamolila Jr., ang Naval Forces Commander ng Northern Luzon, malaking tulong sa kanila ang laki ng BRP Emilio Jacinto dahil sa lawak ng kanilang area of responsibility.
Animnapung crew at opisyal ang maaaring maging lulan ng BRP Emilio Jacinto. Noong 2019 ay sumailalim ang barko sa upgrading sa combat navigation at system maintenance. Maaaring madetect ng BRP Jacinto ang anumang sasakyang pandagat kahit na may kalayuan ito.
Garantiya ng sandatahang lakas ng Pilipinas na nakahanda sila sa anumang banta sa national security. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨