๐—•๐—จ๐—ก๐—ž๐—›๐—ข๐—จ๐—ฆ๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ก๐—จ๐—˜๐—Ÿ, ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐— ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฌ

Cauayan City โ€“ Sumiklab ang isang sunog sa isang bunkhouse sa Brgy. District 1, San Manuel , Isabela bandang 6:30 ng gabi ngayong ika-17 ng Marso.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa San Manuel Fire Station, napadaan lamang umano ang mga kawani ng BFP San Manuel sa lugar nang makita ang malakas na pagliyab ng apoy sa nabanggit na bunkhouse kaya naman kaagad silang huminto upang rumespunde.

Ayon sa imbestigador ng San Manuel FS na si Fire Officer 2 Rey Anthony Morgado, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa sawali ang bunkhouse.


4 na firetruck naman ang nagamit sa pag-aapula ng apoy, kabilang rito ang 2 firetruck ng San Manuel FS, 1 sa Aurora FS, at isang firetruck mula sa La Suerte.

Maswerte namang walang nasaktan sa mga nakatira sa nabanggit na bunkhouse subalit naabo naman ang mga kagamitan na nasa loob nito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments