𝗖𝗔𝗥𝗘𝗘𝗥 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Dinaluhan ng mga senior high school students mula sa iba’t ibang eskwelahan sa lungsod ang inorganisang 2024 Dagupan City Higher Education Institution Career Fair ng city government, CHEd, DepEd, DOLE, TESDA, PESO, at iba’t ibang higher institutions.

Layon ng nasabing programa nakapaloob sa sustainable development goals ng bansa na tulungan at gabayan ang mga graduating students sa senior high school na pumili ng kanilang magiging kurso sa kolehiyo.

Present sa pagtitipon si CHED Region 1 Director Christine Ferrer na pinuri ang nasabing programa para sa mga kabataan. Samantala, binigyang diin ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kanyang mensahe ang pagpapahalaga sa de kalidad na edukasyon at pag suporta ng lokal na gobyerno sa mga mag-aaral.

Ipinabatid din ni Fernandez ang pagpapatuloy ng scholarship ng siyudad para sa mga kabataang dagupeño. Siniguro din ng alkalde ang iba pang tulong mula sa city government sa mga scholars hanggang sa kanilang pagtatapos.

Ang nasabing programa ay nakapaloob sa mga aktibidades ng Bangus Festival 2024 na may layuning isulong ang career development support program at anti-illegal recruitment campaign. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments