𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗛𝗘𝗢𝗥𝗘𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Dinaluhan ng humigit 1,200 na Binmalenians ang Free Theoretical Driving Course bilang bahagi ng 112th Founding Anniversary ng Land Transportation Office.

Nakiisa maging ang lokal na pamahalaan ng Binmaley sa 15-hour Theoretical Driving Course kung saan tinalakay ang road safety, defensive driving techniques at traffic regulations.

Layunin ng naturang aktibidad na panatilihing ligtas ang kakalsadahan at mapanatili ang disiplina sa mga kukuha ng lisensya nang may kaalaman ukol sa batas trapiko.

Nangangahulugan ang aktibidad na ito sa mga posibleng kolaborasyon ng LTO Region katuwang ang mga partner organizations sa pagsasagawa ng libreng ng edukasyon sa pagmamaneho sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments