𝗖𝗔𝗦𝗛𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘𝗡𝗢

Muling ipinakilala sa ilang Dagupeños ang cashless o digital payment sa mga pampublikong pamilihan at sakayan na isinusulong ng Banko Sentral ng Pilipinas o BSP at Department of Interior and Local Government o DILG kasama ang Landbank of the Philippines.

Nauna na itong tinalakay noong buwan ng Enero sa Dagupan City sa pamamagitan ng pagsasailalim ng piling mga market vendors at transport group sa isang oryentasyon upang malaman ang nasabing programa.

Kasunod nito ay ang hindi na kinakailangan ng physical money sa anumang transaksyon tulad sa pamimili dahil magiging digital transaction ito sa pamamagitan ng paggamit ng QR Ph code o ‘PalengQR Ph Plus’.

Target naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na pag-aralan ito, maging pagkokonsidera sa posibleng paggamit ng cashless payment sa darating na mga kaganapan o selebrasyon sa lungsod.

Ilang Dagupeños naman lalo na ang mga Kabataan ay sang-ayon sa ganitong pamamaraan dahil less hustle raw ito sa kanila bagamat mangilan-ngilan din ang di sumang-ayon dahil baka raw mas maproseso ito kumpara sa direct buying. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments