𝗖𝗛𝗢 𝟯, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦

CAUAYAN CITY- Bagamat walang naitatalang kaso ng pertussis o whooping cough sa Lungsod ng Cauayan ay mahigpit na nagpaalala ang Cauayan Health Office 3 hinggil sa sakit na ito.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Designated Health Education and Promotion Officer Errol Rudolph Maximo, mga sanggol ang lubhang apektado ng sakit na ito lalo na ang mga hindi bakunado.

Aniya, hindi lamang mga sanggol ang maaaring tamaan nito kundi lahat ng edad ay maaaring magkaroon ng pertussis kaya nararapat na magpabakuna laban rito.


Hinihikayat naman ang mga magulang na may sanggol na edad tatlong linggo pataas na bumisita sa mga health center upang makatanggap ng mga bakuna.

Samantala, mahigpit naman na nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan sa mga bagay na dapat iwasan at hindi gawin upang hindi mahawa ng sakit na ito.

Facebook Comments