𝗖𝗔𝗩𝗥𝗔𝗔 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang pagbubukas ng Cagayan Valley Regional Athletics Association Meet 2024 kahapon ika-26 ng Abril sa Lungsod ng Ilagan.

Nagsimula naman ang programa pamamagitan ng parade ng siyam na delegates mula sa Rehiyon Dos na kinabibilangan ng Nueva Vizcaya, Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Ilagan, Santiago, Tuguegarao at Cauayan.

Naging panauhing pandangal naman si Sen. Mark Villar kung saan nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanya at nagpaabot ng pagbati sa lahat ng manlalaro, coaches, at mga indibidwal na katuwang sa aktibidad na ito.


Pinuri naman ni City Mayor Jay Diaz ang mga atleta dahil sa murang edad ay nagpupursigi sila na makipagpaligsahan sa larangan ng sports at nawa’y magsilbi silang inspirasyon sa ibang kabataan.

Samantala, sa pagtatapos ng programa ay nagbigay kasiyahan naman ang bandang Sponge Cola.

Facebook Comments