𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗦𝗔𝗟𝗜

CAUAYAN CITY- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang construction worker matapos itong makuryente at mahulog sa ginagawang gusali sa Camalaniugan, Cagayan.

Ang biktima ay si Loreto Ligad, 27-anyos, mula sa Brgy. Felipe Tuzon sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, nasa ikatlong palapag ang biktima nang biglang sumabit sa kable ng kuryente ang hawak nitong bakal.


Agad dumaloy ang malakas na kuryente sa katawan ng biktima dahilan nang pagkahulog nito.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang biktima para sa medikal na atensyon ngunit hindi na ito nailigtas pa.

Facebook Comments