Patuloy pa ang pagpapalakas at pagpapakilala sa cultural heritage at tourist destination sa lalawigan mula sa inisyatibo ng hanay ng Department of Tourism’s Philippines Exchange Program.
Nito lamang, ipinakilala ng DOT Philippine Exchange Program sa mga local at foreign tourists ang historya, kultura, at mga pagkain na ipinagmamalaki ng probinsya.
Isa sa mga binisita ng mga turista ay ang Provincial Capitol Building na sinabayan naman ng mga traditional cuisine at pagbisita rin ng mga ito sa exhibit ng Banaan Museum.
Dumayo rin ang mga ito ay binisita ang isa dinadayo rin sa bayan ng Bayambang; ang St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Layon ng DOT’s Philippines Exchange Program na maipadama at maipakita sa mga turista ang mga ipinagmamalaki ng probinsya ng Pangasinan at potensyal nito bilang isa sa pinupuntahang destinasyon sa Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨