π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗑 𝗑𝗔 π—§π—¨π—§π—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—”π—‘π—œπ— π—”π—Ÿ 𝗖π—₯π—¨π—˜π—Ÿπ—§π—¬, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—§π—¨π—‘π—šπ—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 π—‘π—š π—”π—‘π—œπ— π—”π—Ÿ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—™π—”π—₯π—˜

Kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang walang awang pagpaslang sa golden retriever na si Killua kamakailan lamang.

Ayon kay Atty. Heidi Caguioa, President & Program Director ng nasabing samahan, malinaw na ipinagbabawal sa Republic Act no. 8485 o ang β€œAnimal Welfare Law” ang pagpaslang sa anumang hayop na wala namang makatwiran na rason.

Maaari umanong humarap sa dalawang taong pagkakakulong at kabayaran na aabot sa P100,000 sa sino man lumabag sa batas.

Sa kasalukuyan, isinusulong na din ng Animal Kingdom Foundation ang batas na mas nagpapalakas sa RA 8485. Nais ng samahan na magkaroon ng bukod na opisina na tututok at magpapatupad ng batas para sa mga alagang hayop. Kabilang din dito ang emergency response para sa mga hayop at mapabilang sa evacuation program ng mga lokal na pamahalaan.

Nanawagan si Atty. Caguioa sa mga non-pet owners na respetuhin ang kalagayan ng mga hayop. Paalala niya naman sa pet owners na maging responsable sa mga alagang hayop.

Kaugnay nito, patuloy na isinasagawa ang malawakang veterinary health mission sa lalawigan ng Pangasinan. Isinasagawa ang iba-ibang veterinary services at anti-rabies campaign sa mga tinutungong bayan at lungsod ayon sa schedule na itinakda ng Provincial Veterinary Office. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments