
βCauayan City – Guilty sa kasong insurrection ang dating Pangulo ng South Korea na si Yoon Suk Yeol matapos ang desisyon ng Seoul Central District Court kaugnay ng kanyang pagdedeklara ng martial law noong Disyembre 3, 2024 dahilan upang patawan siya ng life imprisonment o habangbuhay na pagkakakulong.
β
βNapatunayan ng korte na ipinakilos niya ang militar at pulisya upang sakupin ang National Assembly at ipahuli ang ilang opisyal.
β
βAyon sa hukuman, ang pagpapadala ng mga tropa sa lehislatura ay maituturing na pag-aaklas at paglabag sa konstitusyon. Hindi rin umano sapat na dahilan ang umiiral na sigalot sa pagitan ng administrasyon at oposisyon upang magdeklara ng martial law.
β
βAgad na dinala si Yoon sa Seoul Detention Center matapos ang hatol at mananatili roon habang nakabinbin ang posibleng apela. Maaari pang umabot ang kaso sa Seoul High Court at sa Korte Suprema.
β
βBagamaβt hiniling ng prosecution ang parusang kamatayan, habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw sa insurrection case.
May iba pa siyang kinahaharap na kaso, kabilang ang abuso sa kapangyarihan, at nauna na rin siyang nahatulan ng limang taong kulong dahil sa pagharang sa kanyang pag-aresto.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










