Inihayag ng Department of Education (DEPED) Region 1, na hinihintay pa ng kanilang tanggapan ang implementing rules and regulation o IRR sa hindi paggamit ng βmother tongueβ bilang paraan ng pagtuturo mula Kinder hanggang Grade 3.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) Region 1, sinabi ni Chief Education Supervisor Arlene Niro, bagamat wala pang guidelines na nanggagaling sa central office mayroon na silang mga preparasyon upang maging handa sa implementasyon.
Sa Dagupan City, ilang magulang ang sang-ayon sa tuluyang pagpapatigil ng naturang programa dahil umano madali naming matutunan ng mga bata ang mother tongue sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kanilang kapwa.
Ayon sa RA12027, ang medium of instruction ay babalik sa Filipino at English habang ang ibang rehiyonal na wika ay gagamitin na lamang bilang tulong sa pagtuturo. |πππ’π£ππ¬π¨